Lunes, Enero 30, 2017

Islas de Gigantes




    Isa sa napakamamanghang isla sa probinsya ng Iloilo ay ang islang tinatawag na 'Islas de Gigantes' na matatagpuan sa  bayan ng Carles. Ang isla ay mas kilalang Gigante na siyang tawag ng mga locals. Isa ito sa mga kinikilalang tourist spot ng lungsod at unti-unti na ring nakikilala sa iba't-ibang parte ng Pilipinas at sa buong mundo. HUWAW!😲

Noong nakaraang bakasyon (2016) ay nagkaroon ako at ang dalawa ko pang kaibigan ng pagkakataong makabisita sa Gigante dahil sa panyaya ng isang kaibigan na nakatira doon.

Sa pantalan pa lang ng Estancia ay nasasabik na akong makita ang mga lugar na dati sa kwento ko lng naririnig at sa mga larawan nakikita. Habang naglalakbay sa laot sakay sa bangka na pagmamay-ari ng aking kaibigan ay busog na busog na ang aking mga mata sa napakagagandang mga tanawin na nadadaanan patungo sa lugar. Kailangan lamang na nakaupo ka sa bandang harapan ng bangka at naka eye glasses para mas makikita ng mabuti ang mga tanawin.

Habang papalapit ang bangka sa isla, manghangmangha ako sa ganda ng lugar. At dahil sa oras ng aming pagdating ay low tide, napilitan kaming maglakad ng ilang metro daladala ang aming mga gamit papuntang dalampasigan.

Kahit sa kaunting panahon na ako ay nasa isla, natunghayan ko ang mga kagilagilalas na tanawin at ang simple subalit napakagandang pamumuhay ng mga tao na siyang naghatid sa akin sa isang masmalalim na pagmamahal sa aking kapaligiran, bansa at ng Maylalang. Dahil dito, masasabi ko na lubus akong nasiyahan sa pagkakataong mabisita ang kakaiba at kamanghamanghang isla ng Gigantes.

Wow naman guys! This will be one of your perfect getaway too ngayong summer!



Shaina Dyne Alvador

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento