DINAGYANG - FESTIVAL
Ang Dinagyang-Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng iloilo tuwing ikat-long linggo ng enero o pagkatapos sa Cebu at sa Aklan.
Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nino at para na rin sa pagdating ng mga malay sa panay.
Ito ay isang Celebrasyon upang magkasama-sama kayong buong pamilya , magkabarkada , at kung ano ang estado ninyo sa isa't-isa. Ito ang isang paraan upang mapanatili at mapagtibay ang inyong samahan.
Ito ang panahon kung saan kayong makapasyal , makakain sa ibang restaurant , at magkwentohan ng iyong mga karanasan sa buhay. maliban sa mga pilipino pumupunta rin ang mga dayuhan upang maaliw , makisaya , at makisalamuha sa ibang tao.
May roon akong ibahagi sa inyo ang aking karanasan noong ika-siyam na baitang pa ako nakaranas din ako na makisalamuha sa ibang tao kasama ko ang aking kaibigan nasi Sherilyn Q. Estores nagdesiyon kami na magdalo sa Dinagyang - Festival upang malaman ang kanilang tradisyon at paniniwala sa Piesta ng Santo Nino. Doon nakaranas kami ng maiingay na musika , makakita ng maraming tao na kumakain sa gilid ng karsada , Makalipas ng ilang oras ang mga tao ay dumadami upang masaksihan ang mga pagyayari sa Piesta nagpasya ako na uuwi na kami dahil malapit na kumagat ang dilim at mahihirap kami humanap ng masasakyan ,lumipas ang ilang sandali at mapayapa kami nakauwi ng ligtas na walang may nangyaring sa amin na masama.
Ang mga Pilipino ay may likas na kabaitan sa mga bisita o sa mga estranghero kapag may roong pagdiriwang o walang okasyon. Dapat pananatilihin natin ang pagiging mabuting pakikitungo sa ibang tao may pagdiriwang man o wala.
Jellen R. Herrera
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento