INSPIRED ARTIST
Bilang isang manguguhit o sikat sa tawag nating pintor ay meron akong ipapakita sa inyo ng mga iba't-ibang storya ng mga tao, baka kasi makatutulong ito sa inyo balang araw bilang gabay sa mga pagsubok/problema na inyong madadaanan o baka naman maging inspirasyon nyo sila.
Sila yung mga manguguhit o pintor na talaga naman ay nakakabighani hinggil sa kanilang mga kapansanan ay nagagawa parin nila itong gawin dahil binigyan sila nga kakaibang talento na kanilang ipinapakita para makatulong ito kahit papaano sa kanilang mga pamilya. kahit nga ako na isa ring mahilig sa sining ay napapabilib sa kanilang mga gawa dahil kumpara sa atin na walang kapansanan, yung sa kanila pang mga gawa ang nangingibabaw sa lahat hindi lamang sa ganda nitong tingnan ay kundi nagpapahiwatig pa ito ng mas malalim na kahulugan; ang kanilang mga damdamin at mga karanasan na nangyari sa kanilang totoong buhay. Gumuguhit din sila kung ano ang kanilang mga nakikita, nararamdaman sa paligid, mga amoy man o mga salita na naririnig nila.Hindi natin maipagkakaila ang taglay na ganda ng sining. Kahit gumuhit ka lang ng isang linya o kulay manlang ay marami na itong kahulugan.
Ayon nga kina......
(Alfred Marshall) - In common use almost every word has many shades of meaning, and therefore needs to be interpreted by the context.
(Benjamin F.) - Action speaks louder than words. Remember. "well done" is much better than "well said".
Maihahalintulad natin ang kasabihang ito dahil lahat ng ating mga ginagawa ay may kahulugan/katuturan na makadudulot din sa atin ng masama o magandang mga pangyayari sa ating buhay. Swerte tayo dahil nabuhay tayo na buo ang ating katawan, walang kapansanan, o anumang malala na problema. Magpasalamat nalang tayo sa panginoon dahil maraming mga tao ang tumutulong sa atin kung may problema man tayo o wala ay pwedeng maging inspirasyon din ito sa iba. Ang mga pintor na aking ipinakita sa inyo ay meron din silang inspirasyon upang magawa ang kanilang mga trabaho, ginamit sila ng diyos upang maging inspirasyon din sa iba na nangangailangan ng tulong.
- Michell Inosanto
- Michell Inosanto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento