Martes, Enero 31, 2017

Mga Produkto ng REhiyon VI sa Pilipinas


     
         Sa negosyong ito kailangan malawak ang isip,matiyaga. Isipin ang kalidad ng mga gagamitin na makakasakit sa tao,sa matanda o sa mga bata na gagamit nito,at ang importante ang pakikipagkaibigan at pakikisama at syempre ang pakikipag- ugnayan sa tao na bibili ng produkto na ibibinta o ipagbibili mo,kung gusto mo na kaakit- akit ang iyong produkto kailangan maghanap ng magandang uri na gagamitin,maganda ang pagkakagawa kaakit- akit sa mata ng mamimili,ang gagamitin sa bawat paggawa ng produkto,kailangan mayroon iba't- ibang pang- akit nila para lalo magustohan na mambibili na kustomer. Sa bawat kustomer na bibili saloobin ang tamang impormasyon ng produkto,at ang isa pa na dapat gawin ang maayos na pakabalot ng produkto para maprotektahan ang pagkasira nito hindi nadumihan,kailangan ito rin ang makadagdag akit sa kustomer,kung maganda ang ang pagkabalot nito. Kailangan marunong makibagay,makisama sa kustomer kailangan din lagi ka naka ngiti,makipag- usap ibahagi ang iyong karanasan sa pagnenegosyo,ituro kung papaano mo ito nagawa at kahit mayroon mga pagsubok sa buhay bago narating ang kanilang negosyo hindi ka nasiraan ng loob para marating ito na maging inspirasyon mo ang ganitong negosyo walang makahadlang kung ito'y gagawin para marating sa buhay mo,at kaya dapat ang iyong mga ibibinta na mga produkto ay bago- bago at presko para ito ay madaling mabili ng mga tao o kustomer mo at dapat malinis din ito.



                                                    DINAGYANG - FESTIVAL                                                                                           
                                                            Ang Dinagyang-Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng iloilo tuwing ikat-long linggo ng enero o pagkatapos sa Cebu at sa Aklan.
Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nino at para na rin sa pagdating ng mga malay sa panay.

Ito ay isang Celebrasyon upang magkasama-sama kayong buong pamilya , magkabarkada , at kung ano ang estado ninyo sa isa't-isa. Ito ang isang paraan upang mapanatili at mapagtibay ang inyong samahan.

Ito ang panahon kung saan kayong makapasyal , makakain sa ibang restaurant , at magkwentohan ng iyong mga karanasan sa buhay. maliban sa mga pilipino pumupunta rin ang mga dayuhan upang maaliw , makisaya , at makisalamuha sa ibang tao.

May roon akong ibahagi sa inyo ang aking karanasan noong ika-siyam na baitang pa ako nakaranas din ako na makisalamuha sa ibang tao kasama ko ang aking kaibigan nasi Sherilyn Q. Estores nagdesiyon kami na magdalo sa Dinagyang - Festival upang malaman ang kanilang tradisyon at paniniwala sa Piesta ng Santo Nino. Doon nakaranas kami ng maiingay na musika , makakita ng maraming tao na kumakain sa gilid ng karsada , Makalipas ng ilang oras ang mga tao ay dumadami upang masaksihan ang mga pagyayari sa Piesta nagpasya ako na uuwi na kami dahil malapit na kumagat ang dilim at mahihirap kami humanap ng masasakyan ,lumipas ang ilang sandali at mapayapa kami nakauwi ng ligtas na walang may nangyaring sa amin na masama.

Ang mga Pilipino ay may likas na kabaitan sa mga bisita o sa mga estranghero kapag may roong pagdiriwang o walang okasyon. Dapat pananatilihin natin ang pagiging mabuting pakikitungo sa ibang tao may pagdiriwang man o wala.

Jellen R. Herrera

Lunes, Enero 30, 2017

Kaibigan



KAIBIGAN

 Meron akong kaibigan ang pangalan niya ay si Queenie Joy Dador.Siya ay napakabait at napakalambing ngunit minsan ay may pagkakalog. Napakakulit ni Queenie ayaw niya na di siya pinapansin gusto niya pagkinakausap ka niya ay nakikinig ka dahil kung hindi magtatampo siya. Noong 10years old kaming dalawa ang ipinaglaban sa school namin sa isang dance sport. Ang saya-saya ko noon nong nalaman ko na kami ang paris. Sabay kaming nag paparactice pagkatapos ng klase at palagi din kaming sabay umuuwi pagkatapos.Ngunit isang araw nalaman kong paalis na siya napaka lungkot isipin na ang pinakamamahal kong kaibigan ay aalis na at hindi na kami magkikita. Pumunta siya ng Palawan at ako bumalik dati kong pinapasukan na paaralan.Umalis siya na galit ako sa kanya.Hanggang ang 7 taon nag aral sa bagong paaralan malapit sa amin.Naging kakaklasi ko sina Vivai. Si Vivia ay elementary classmate ko sa ESDAMS hanggang sa lumipas na naman ang 6 na buwan may narinig kaming balita na may bago daw kaming kaklasi at kina-umgahan ay may nakita akong babae na parang kahawig ng kaibigan kong iniwan ako. Siya pala ang bago naming kaklasi, Nagpakilala siya sa harap namin at doon ko nalaman na siya nga! Ngayon katabi ko na siya.


                                                              EL NIDO PALAWAN

   Maraming tanawin sa Palawan na pwedeng -pwede puntahan, tulad ng EL NIDO, ang El Nido ay isang beach resort na isa sa magagandang pwedeng puntahan ng mga tao. Dahil sa magagandang tanawin at paligid nito marami ka ring pwedeng gawin dito, tulad ng pagsakay sa Banana Boat. Masaya itong gawin lalo na't kung marami kayong magkakaibigan at pagkatapos gawin iyon pwede niyo rin subukan ang ibang rides. At pwede din itong maitulad sa Boracay dahil sinusugod din ito ng napakaraming tao , Dinarayo din ito ng taga ibang Lugar dahil sa kagandahan nito . At dito rin nakatira ang isang sikat na artista si Katrina Halele kaya mas nakilala pa ito, at sa ngayon karamihan ng tao ay pumupunta dito lalo na't pa-summer marami talagang nagnanais na bisitahin ito. Kaya kung nais mong puntahan ito sinisigurado kung hinding hindi ka magsisi.

"ISLA NG PUNTA SALONG"



                                                         "ISLA NG PUNTA SALONG"

        ISLA NG PUNTA SALONG AY MAYROONG MAGAGANDA NA BUHAY NA BATO AT MALINIS NA ISLA AT MALALANGHAP MO ANG MALINIS AT NATURAL NA HANGIN AT TUBIG DAGAT. ANG LOKASYON NITO AY DITO SA WESTERN VISAYAS MAKIKITA SA PANAY ISLAND AT MALAPIT SA NORTE NG ILOILO NA NASA BRGY. PUNTA SALONG TANAO, BATAD, ILOILO. ITONG ISLA AY HINDI MASYADO MATAO KASI ITO AY ISANG PRIVATE PROPERTY NG MGA PAMILYA KO SA SIDE NI MAMA KO. MARAMING MGA NATURAL RESOURCES DITO NA MAKIKITA KAGAYA NG MGA NIYOG, MANGGA AT MARAMI PANG IBA. ITONG ISLA NATO AY HINDI KILALA KASI MALAYO ITO AT MABUNDOK ANG DAAN AT PWEDE KARIN LUMAYAG SA DAGAT PARA MAKAPUNTA DITO, PERO DITO NIYO MAKIKITA ANG NAPAKAGANDA NA VIEW KUNG NASA MALAPIT KAYO NG ISLANG ITO. KAYA SINULAT KUNG BLOG. NA PROYEKTO NAMIN SA FILIPINO SUBJECT PARA MAIPOST NAMIN SA SOCIAL MEDIA NA MAKIKITA NG KARAMIHAN AT BAKA SAKALING MADISCOVER NG IBA AT BAKA SAKALI NARIN MA DEVELOP ANG LUGAR PARA MAPAGANDA PA ITO.

Inspired Artist

                                                      INSPIRED ARTIST

Bilang isang manguguhit o sikat sa tawag nating pintor ay meron akong ipapakita sa inyo ng mga iba't-ibang storya ng mga tao, baka kasi makatutulong ito sa inyo balang araw bilang gabay sa mga pagsubok/problema na inyong madadaanan o baka naman maging inspirasyon nyo sila.

















Sila yung mga manguguhit o pintor na talaga naman ay nakakabighani hinggil sa kanilang mga kapansanan ay nagagawa parin nila itong gawin dahil binigyan sila nga kakaibang talento na kanilang ipinapakita para makatulong ito kahit papaano sa kanilang mga pamilya. kahit nga ako na isa ring mahilig sa sining ay napapabilib sa kanilang mga gawa dahil kumpara sa atin na walang kapansanan, yung sa kanila pang mga gawa ang nangingibabaw sa lahat hindi lamang sa ganda nitong tingnan ay kundi nagpapahiwatig pa ito ng mas malalim na kahulugan; ang kanilang mga damdamin at mga karanasan na nangyari sa kanilang totoong buhay. Gumuguhit din sila kung ano ang kanilang  mga nakikita, nararamdaman sa paligid, mga amoy man o mga salita na naririnig nila.Hindi natin maipagkakaila ang taglay na ganda ng sining. Kahit gumuhit ka lang ng isang linya o kulay manlang ay marami na itong kahulugan.

 Ayon nga kina......
(Alfred Marshall) - In common use almost every word has many shades of meaning, and therefore needs to be interpreted by the context.
(Benjamin F.) - Action speaks louder than words. Remember. "well done" is much better than "well said".

Maihahalintulad natin ang kasabihang ito dahil lahat ng ating mga ginagawa ay may kahulugan/katuturan na makadudulot din sa atin ng masama o magandang mga pangyayari sa ating buhay. Swerte tayo dahil nabuhay tayo na buo ang ating katawan, walang kapansanan, o anumang malala na problema. Magpasalamat nalang tayo sa panginoon dahil maraming mga tao ang tumutulong sa atin kung may problema man tayo o wala ay pwedeng maging inspirasyon din ito sa iba. Ang mga pintor na aking ipinakita sa inyo ay meron din silang inspirasyon upang magawa ang kanilang mga trabaho, ginamit sila ng diyos upang maging inspirasyon din sa iba na nangangailangan ng tulong.
                                                                                                                                                                 - Michell Inosanto

Islas de Gigantes




    Isa sa napakamamanghang isla sa probinsya ng Iloilo ay ang islang tinatawag na 'Islas de Gigantes' na matatagpuan sa  bayan ng Carles. Ang isla ay mas kilalang Gigante na siyang tawag ng mga locals. Isa ito sa mga kinikilalang tourist spot ng lungsod at unti-unti na ring nakikilala sa iba't-ibang parte ng Pilipinas at sa buong mundo. HUWAW!😲

Noong nakaraang bakasyon (2016) ay nagkaroon ako at ang dalawa ko pang kaibigan ng pagkakataong makabisita sa Gigante dahil sa panyaya ng isang kaibigan na nakatira doon.

Sa pantalan pa lang ng Estancia ay nasasabik na akong makita ang mga lugar na dati sa kwento ko lng naririnig at sa mga larawan nakikita. Habang naglalakbay sa laot sakay sa bangka na pagmamay-ari ng aking kaibigan ay busog na busog na ang aking mga mata sa napakagagandang mga tanawin na nadadaanan patungo sa lugar. Kailangan lamang na nakaupo ka sa bandang harapan ng bangka at naka eye glasses para mas makikita ng mabuti ang mga tanawin.

Habang papalapit ang bangka sa isla, manghangmangha ako sa ganda ng lugar. At dahil sa oras ng aming pagdating ay low tide, napilitan kaming maglakad ng ilang metro daladala ang aming mga gamit papuntang dalampasigan.

Kahit sa kaunting panahon na ako ay nasa isla, natunghayan ko ang mga kagilagilalas na tanawin at ang simple subalit napakagandang pamumuhay ng mga tao na siyang naghatid sa akin sa isang masmalalim na pagmamahal sa aking kapaligiran, bansa at ng Maylalang. Dahil dito, masasabi ko na lubus akong nasiyahan sa pagkakataong mabisita ang kakaiba at kamanghamanghang isla ng Gigantes.

Wow naman guys! This will be one of your perfect getaway too ngayong summer!



Shaina Dyne Alvador